EX-PRES. AQUINO PUMANAW NA, 61

(BERNARD TAGUINOD)

ISINANTABI muna ng mga lider ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pulitika at nakiisa sa pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

“My heartfelt condolences and prayers to the family of Pres. Noynoy Aquino. As a colleague in the 11th Congress and as a friend, Pres. Noy and I have shared fond memories,” ani Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Sina Aquino at Defensor ay magkasabay na pumasok sa Kongreso noong 1998 at kapwa natapos ang kanilang tatlong termino bilang kinatawan ng Tarlac at Quezon City, ayon sa pagkakasunod.

“While our lives are enmeshed in politics and there may have been differences at certain periods of time, we have remained good friends throughout the years. He is too young to die and today is a day of mourning. May he rest in peace,” ani Defensor.

Bilang pakikidalamhati, inilagay sa half mast ang bandila sa mababang kapulungan ng Kongreso nang makumpirma ang pagpanaw ng dating pangulo sa Capitol Medical Center.

“I join the nation in mourning the passing of former President Noynoy Aquino. The news of his death was a shock to all of us. We all grieve for losing him so early — a man of integrity, a Filipino leader who made it his primary mission to institutionalize good governance reforms. We extend our condolences to his family and loved ones. May you find peace in knowing that he is now back to the loving embrace of our Father. Rest now former President Aquino. Paalam,” pahayag naman ni House majority leader Martin Romualdez ng Lakas-NUCD.

“We are saddened to learn of the passing of former President Benigno “Noynoy” Aquino III. The entire House of Representatives would like to extend its heartfelt sympathies and condolences to his family, friends and colleagues at this difficult time. The nation mourns with you and celebrates the life of a man who dedicated his service to the country as a three-term Representative of the Second District of Tarlac in Congress, Senator, and President of the Republic of the Philippines. May his soul rest in peace,” ayon naman kay Speaker Lord Allan Velasco ng PDP-Laban.

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay sina Deputy Speaker Mikee Romero, Deputy Speaker Mujiv Hataman, Albay Rep. Joey Salceda, Cavite Rep. Elpidio Barzaga, gayundin ang Makabayan bloc.

“We join the nation in this time of sadness. We had principled differences with the former president, but we credited and appreciated his administration’s move of filing a case against China in the Permanent Court of Arbitration. This case resulted in the historic and precedent-setting July 2016 decision that recognized the country’s sovereign rights in the West Philippine Sea,” ayon sa statement ng Makabayan bloc.

Base sa mga report, sumasailalim sa dialysis, tatlong beses kada linggo si Aquino at naghihintay umano ito ng kidney transplant subalit binawian ito ng buhay ilang oras pagkatapos itakbo sa nasabing pagamutan.

Pakikiramay sa Senado

Samantala, nakiramay ang ilang miyembro ng Senado sa pamilya Aquino hinggil sa maagang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III.

Sa magkakahiwalay na pahayag, pinuri ng mga mambabatas ang dating pangulo sa tunay na paglilingkod sa bayan sa salitang “Ako ang Boss Nyo,” “Ama ng Daang Matuwid” at “Walang Wang-wang.

Nanguna sa pakikiramay si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, maging sina Senador Sonny Angara, Grace Poe, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Manuel “Lito” Lapid, Manny Pacquiao, Joel Villanueva at Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“He was a profile of courage, a man of convictions. When politics clashed with the principles he held dear, he would choose the latter, even at the expense of friendships and alliances a leader must maintain in order to govern,” ayon kay Recto.

Para kay Angara, lubha itong nalungkot sa pagpanaw ng dating pangulo sa pagsasabing: “We join the nation in mourning the passing of our former President Benigno “Noynoy” Aquino III.”

Pinasalamatan naman ni Poe si Aquino sa pagbubukas ng pinto ng serbisyo para sa sarili matapos itong maitalaga bilang hepe ng Movie and Television Review and Classification Board.

“Sa nagbukas ng pinto ng serbisyo publiko para sa atin, maraming salamat sa iyong legasiya ng pagsisilbi nang buong katapatan at dedikasyon,” ayon kay Poe.

Lubhang ikinalungkot din ni Gordon ang pagpanaw ng dating kasamahan sa Senado. “He can now peacefully rest in the arms of our Creator.”

Sinabi naman ni Lapid na naging makahulugan ang kanyang pamumuno sa panahong kailangan ng bansa ng isang lider na matuwid at tunay na umalalay sa atin sa tamang daan.

Pinuri rin ni Pacquiao si Aquino sa kanyang manipestasyon sa pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng islogan na “Daang Matuwid” and the “Kayo ang Boss Ko”.

Hindi naman matanggap ni Villanueva ang agarang pagpanaw ni Aquino sa pagsasabing: “Ang sakit sakit lang mga bossing. Walang masamang tinapay kay PNoy proud akong sabihin na mahal ko siya at di nagbago yun o magbabago.”

Nakidalamhati rin si Zubiri sa pamilya ni Aquino saka sinariwa ang kanilang nakaraan sa Mababang Kapulungan nang maglingkod ang dating pangulo bilang kinatawan ng Tarlac noong 1998 at 2007.

Kahapon ng umaga nang isugod sa Capitol Medical Center ang 61-anyos na dating pangulo at pagkaraan ng ilang oras ay inanunsyo ang pagpanaw nito.

Si Noynoy ang nag-iisang lalaki sa limang anak nina dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Ang mga kapatid niyang puro babae ay sina Maria Elena (Ballsy), Aurora Corazon (Pinky), Victoria Eliza (Viel), at ang TV host-actress na si Kristina Bernadette (Kris).

Siya rin ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Nahalal siya noong 2010 at nanungkulan hanggang 2016. Pinalitan niya sa puwesto si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Nanilbihan din siya bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Tarlac, mula 1998 hanggang 2007. Nanilbihan siyang senador mula 2007 hanggang 2010.

Nanatiling binata si Noynoy hanggang kanyang kamatayan.

Ilan sa mga naging kontrobersyal na insidente sa kanyang panunungkulan ay ang naganap na Manila Hostage Crisis noong 2010, pagtama ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 at Mamasapano Massacre noong 2015.

Palasyo nagpaabot ng panalangin

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Humingi naman ng panandaliang katahimikan si Presidential spokesperson Harry Roque para sa panalangin.

“We commiserate po and condole with the family and loved ones of former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III as we extend our condolences on his untimely demise. We’re grateful for the former President for his contribution and services to the country,” ani Sec. Roque.

Kaya ang hiling ng Malakanyang sa taumbayan ay mag-alay ng dasal para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng dating pangulo.

‘Rest in Peace, Mr. President,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, nakiisa ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Aquino.

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang nakawagayway ng half-mast hanggang sa mailibing ang dating pangulo. (May dagdag na ulat sina ESTONG REYES/JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE)

170

Related posts

Leave a Comment