PAG-ALALA KAY PNOY SA KAMARA

NAGBIGAY ng kani-kanyang pahayag at reaksyon ang mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa biglaang pagpanaw ni dating President Benigno “Noynoy” Aquino, Huwebes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Deputy Speaker Mujiv Hataman: “Labis naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni dating Pangulong PNoy. Hindi lang tayo nawalan ng isang haligi ng ating bansa, nawalan din tayo ng matapat at mabuting kaibigan.

Isa si PNoy sa matagal ko nang nakasama sa ating pakikibaka sa buhay at pulitika. Matagal kaming nagkasama sa Kamara bago siya naluklok bilang senador. At kahit na noong naging pangulo siya noong 2010, hindi nagbago ang kanyang personalidad: simple, walang ere, magaan kasama, laging nandyan pag kailangan mo, at laging handang tumulong sayo. Barkada, ika nga.

Paalam, kapatid kong PNoy! Saludo ako sayo! Sa iyong paglisan, baon mo ang aming paggalang, paghanga at pagkilala. Hinding-hindi ka namin malilimutan.”

Nagbigay rin ng huling mensaheng pamamaalam si House Majority leader at Leyte Rep. Martin Romualdez: “I join the nation in mourning the passing of former President Noynoy Aquino.

The news of his death was a shock to all of us. We all grieve for losing him so early — a man of integrity, a Filipino leader who made it his primary mission to institutionalize good governance reforms.

We extend our condolences to his family and loved ones. May you find peace in knowing that he is now back to the loving embrace of our Father.

Rest now former President Aquino. Paalam.”

Laking panghihinayang naman ang naging saloobin ni Cavite 3rd District Congressman Elpidio “Pidi” Barzaga: “Former President Noynoy Aquino’s passing was a big loss not only to his family and friends, but also to our country as a whole. He was very successful in his fight against corruption, transparency, public accountability and keeping democracy alive.

My family joins our fellow Filipinos with thoughts of comfort and extending our sincere sympathies to the Aquino family during this very painful time.”

Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay si Anak Mindanao (AMIN) Party-list Representative Amihilda Sangcopan at ibinahagi nito ang malaking kontribusyon ng dating pangulo sa lalawigan.

Ibinida ni Rep. Sangcopan na sa ilalim ng pamumuno ni PNoy nabuo ang “Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act” na naging kauna-unahang batas sa buong Asya, at nagpatibay sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

“We join the nation in paying our final respects to the passing of this graceful and great leader. Our prayers go to you, Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III. Maraming salamat po sa iyong mga mabubuting halimbawa at ambag sa bayan, lipunan at mamamayang Pilipino,” huling mensahe ng lady solon. (CESAR BARQUILLA)

247

Related posts

Leave a Comment