2 HOLDAPER bokya nang kumasa ang guwardya ng loloobang gasolinahan

QUEZON – Sugatan ang isang security guard nang manlaban sa holdaper na nagtangkang mangholdap sa isang gasoline station sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, Biyernes ng gabi.

Tinamaan ng bala sa likod na tumagos sa tiyan ang biktimang si Aries Pornobi, 21-anyos, security guard ng Giant gasoline station sa Maharlika Highway sa Barangay Binahaan.

Batay sa report ng Pagbilao police, nasa loob ng cashier’s booth ang biktima nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nagbunot ng baril ang backride at pwersahang binuksan ang pinto ng booth.

Ngunit lumaban at nakipag-agawan ng baril ang sekyu hanggang sa mabaril ito sa likod.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na walang nakulimbat na pera nang makita na inuusyoso na ng dumaraang mga motorista ang pangyayari. (NILOU DEL CARMEN)

276

Related posts

Leave a Comment