2 TERORISTA TIMBOG SA SAN PABLO

LAGUNA – Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng komunistang New People’s Army sa pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa bisa ng warrants of arrest, sa San Pablo City sa lalawigang ito, noong Sabado.

Kinilala ang mga arestado na sina Christian Relao at Danna Mae Marcellana na nahuli sa kanilang pinagtataguan sa Brgy. San Diego, San Pablo City.

Ayon kay Brig. Gen Alex Rillera, 202nd Brigade commander, ang dalawang suspek ay target ng warrants of arrest sa kasong kidnapping, serious illegal detention at rebellion.

Inaresto ng mga tauhan ng 202 Brigade, 22 MICO, 1 IB, 21 MICO, Provincial Intelligence Unit ng Laguna at San Pablo City Police ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Calauag, Quezon Regional Trial Court Presiding Judge Manuel Salumbides dahil sa kasong paglabag sa Article 27 (kidnapping and serious illegal detention) at isa pang warrant of arrest sa kasong rebellion na inisyu naman ni Executive Judge Arnelo Mesa ng Infanta, Quezon.

Sinabi ni Rillera, ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng isinagawang Target Packet “SAIS” ng tropa ng gobyerno. Wala naman umanong nakuhang armas kina Relao at Marcellana.

Ipinasuri muna sa San Pablo City Hospital ang dalawang suspek bago ikinulong sa bilangguan. (CYRILL QUILO)

154

Related posts

Leave a Comment