“MISSION is at the heart of what you do as a team. Goals are merely steps to its achievement,” pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño kasunod ng pagkakaaresto ng kanyang mga tauhan sa isang illegal drugs personality.
Ayon sa ulat, nitong Lunes ng madaling araw nang nadakip sa inilunsad na anti-narcotics operation ng PNP-Zambales Castillejos Municipal Police Station, sa pamumuno ni P/Maj. Richard R. Forteza, ang drug suspect na si John Marco Asencio Hizon, ng Purok 6, Brgy. Magsaysay, Castillejos, Zambales.
Makaraan ang isinagawang surveillance operation sa suspek at makumpirmang nagtutulak ito ng hash, isang uri ng marijuana, ay naglatag ng buy-operation ang Castillejos MPS, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-RO3 na saklaw ng PDEA-3 Coordination Control no. 10004-062021-0795 na inisyu at ipinaalam ni duty PDEA Agent Michael Montalbo noong Linggo sa Castillejos, Zambales bilang covered area for operations.
Gamit ang isang undercover operative ay positibong nakabili sa suspek ng hash o high grade marijuana, naging hudyat para dambahin ito ng mga operatiba.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Castillejos MPS. (JESSE KABEL)
190
