Ina ng ex-GF utak sa krimen TRADER PATAY SA LAGUNA AMBUSH

LAGUNA – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang nobya nito makaraang tambangan ng riding-in tandem sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Laguna Police Provincial Office, kinilala ang biktimang si Sean Cuaderno habang tinamaan naman ng bala sa binti ang nobya nitong si Marjorie Benalada, 21-anyos.

Napag-alaman, pauwi sa Brgy. Poblacion 2 bandang alas-8:40 ng gabi ang mga biktima nang tambangan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Agad dinala sa Laguna Medical Center ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Bago malagutan ng hininga si Cuaderno, sinabi nito na ang umano’y mastermind sa pamamaril ay ang ina ng kanyang dating nobya.

Kasalukuyang nagsasagawa ang pulisya ng masusing imbestigasyon sa insidente. (CYRILL QUILO)

 

100

Related posts

Leave a Comment