E-TRIKE BINUNDOL NG KOTSE, 1 PATAY

CAVITE – Patay ang isang ginang na pasahero ng e-trike habang malubha ang driver nito makaraang banggain ng kotse sa Imus City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kapwa isinugod sa ospital ang biktimang si Amelita Ricafrente at ang driver ng e-trike na si Virgilio Minaldo, 64, ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang una.

Kinilala naman ang driver ng Hyundai Accent Sedan na si Raven Supilanas na tinangkang tumakas ngunit hinabol ng isang tricycle driver.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jury Rayco ng Imus City Police, dakong alas-7:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Anabu 1-C, Imus City habang minamaneho ni Minaldo ang kanyang e-trike at pasahero si Ricafrente.

Binabagtas nila ang nasabing lugar galing sa City Mall at nang paliko na sa kaliwang bahagi sa direksyon ng norte nang banggain sila ng minamanehong sasakyan ni Supilanas.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon ang nakasakay sa e-trike na matinding napinsala ang katawan.

Tinangka naman ni Supilanas na tumakas ngunit hinabol ng isang tricycle driver kaya agad naaresto. (SIGFRED ADSUARA)

140

Related posts

Leave a Comment