TSERMAN SUGATAN SA CALAMBA AMBUSH

LAGUNA – Sugatan ang isang barangay chairman ng Calamba City makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Paciano sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang tinamaan ng mga bala sa braso at katawan na si Arvin Laude Manguiat, 44, chairman ng Brgy. Palo Alto sa Calamba City.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Martes nang harangin ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo at hindi naplakahang SUV, ang pulang Toyota Innova na sinasakyan ni Manguiat sa Purok 4, Brgy. Paciano at pinagbabaril ang biktima.

Makaraan ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek.

Mabilis namang isinugod ng mga saksi ang biktima sa pagamutan. (CYRILL QUILO)

223

Related posts

Leave a Comment