COUNTDOWN SA HULING TAON NI DUTERTE SA MALACAÑANG

SINIMULAN na kahapon, Hunyo 30, ng militanteng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang countdown sa huling taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacañang.

Kasabay nito, hindi umano papayag ang KMP na makabalik si Duterte sa Malacañang sa pamamagitan ng vice presidential office na nais nitong okupahan pagkatapos ng kanyang termino.

“Starting today, June 30, 2021, President Rodrigo Duterte has 365 days in office, and farmers say enough is enough. For Duterte’s last year in office, we say tama na, sobra na, wakasan na ang paghahari ng dilim,” ani Danilo Ramos, spokesman ng KMP.

Nakatakdang matapos ang termino ni Duterte bilang Pangulo sa alas-dose ng tanghali sa Hunyo 30, 2022 at papalitan ito ng sinumang mananalo sa 2022 presidential race na gaganapin sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Ramos, hindi dapat mahalal si Duterte bilang pangalawang pangulo kapag nagpasya itong tumakbo sa susunod na halalan sa nasabing posisyon, upang matapos na madugong pamumuno nito sa bansa.

“Duterte’s long and bloody reign must end. There will be no encore for the tyrant in Malacañang,” ani Ramos, dahil sa panahon ni Duterte aniya, ay nagkaroon umano ng 25 massacre sa hanay ng mga magsasaka.

Hindi sinabi ni Ramos kung ilan ang biktima ng masaker na ito subalit sa kabuuan aniya, 333 magsasaka ang pinatay sa unang 5 taon ni Duterte bilang pangulo ng bansa o mula noong 2016.

Hindi kasama rito ang mahigit 6,000 katao na napatay umano sa anti-drug operations ng mga pulis at mahigit 12,000 hanggang 30,000 na biktima ng riding in tandem sa kasagsagan ng Oplan Tokhang.

“We do not want an extension of the murderous Duterte regime. Duterte running as vice-president for the 2022 elections is unacceptable and despicable,” dagdag pa ni Ramos. (BERNARD TAGUINOD)

299

Related posts

Leave a Comment