ARESTADO sa mga operatiba ng Cubao Police Station (PS-7) ang no. 6 station level most wanted person sa Sampaloc, Maynila noong Huwebes.
Kinilala ni P/Lt. Col. Ma. Edna Catilogo, station commander ng PS-7, ang suspek na si Francis Batula, 24-anyos, residente ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Ang suspek ay naaresto dakong alas-2:00 ng hapon noong Hulyo 1, 2021, sa Altura St., Zone 76, Brgy. 570, Nagtahan Bridge, Sampaloc Maynila.
Siya ay nasa listahan bilang no. 6 station level most wanted person at may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong slight physical injuries na inisyu ni Hon. Roslyn M. Rabara-Tria, presiding judge ng Branch 94, Regional Trial Court, Quezon City. (JOEL O. AMONGO)
147
