DRUG DEALER TIMBOG SA PNP-PRO5

NADAKIP ng mga operatiba ng PNP-PRO5 ang isang drug personality na kabilang sa municipal target list ng PDEA at Camarines Norte Police Provincial Office at nahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang anti-narcotics operation sa Purok 4, Brgy. III Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Director Jonnel C. Estomo, tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na P102,000 ang halaga, ang nakumpiska sa suspek na kinilalang si Manuel Cereno Magno, 54-anyos.

Armado ng warrant of arrest, sinalakay ng pinagsamang mga operatiba ng Vinzons MPS; PUI, 1st at 2nd PMFC ng Camarines Norte PMFC; RSOU5; 94SAC-9SAB-PNP SAF, at RIU5, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV, ang bahay ng suspek sa Purok 4, Brgy. III Poblacion, Vinzons, Camarines Norte dakong alas-12:35 ng hapon noong Huwebes.

Ang mga ebidensya pati ang suspek ay dinala sa Vinzons MPS upang sumailalim sa kaukulang disposisyon.

Si Magno ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JESSE KABEL)

331

Related posts

Leave a Comment