ELITE, PARA-ATHLETES PANTAY-PANTAY SA PSC

ELITE man o para-athletes ay may pantay-pantay na karapatan pagdating sa mga benepisyo.

Ibinida ni PSC commissioner at in-charge sa para-athletes na si Arnold Agustin, pareho ang natatanggap na financial support sa ahensiya ng mga atletang nag-qualify sa Tokyo Olympics at Paralympics.

Nagkakaisa aniya ang PSC Board sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na karapat-dapat makatanggap ng sapat na mga benepisyo mula sa pamahalaan ang mga para-athletes. Kaya’t ipinarehas ang kanilang monthly allowances sa mga elite athletes.

“Nakalulungkot na sa Incentives Act, hindi pantay ang nakukuha ng mga para-athletes kumpara sa regular athletes. Batas po ito, wala naman po ­kaming magagawa kundi mag-lobby para sa amendment,” saad ni Agustin.

“But sa aspeto po ng ­allowances at iba pang incentives na sakop sa kapangyarihan ng PSC, pantay po ang nakukuha ng lahat ng mga atleta,” paglilinaw niya.

Natutuwa naman ang PSC official sa pagpupunyagi at ­saksripisyo ng mga Pinoy para-athletes para maging kompetitibo at world-class.

“Right now, lima na po ang confirmed nating atleta na kwalipikado sa Tokyo Para Games this coming August. May tatlo pa tayong inaantabayanan na mapasama sa pamamagitan ng bipartite slots. Kasama dyan si Josephine Medina sa table tennis na kasalukuyang No.2 sa kanyang level,” sabi ni Agustin.

“Hopefully, makasama si Medina. Malaking bagay yung experience niya,” dagdag niya patungkol sa bronze medalist sa 2016 Rio Paralympic Games.

Samantala, sa kabila ng COVID-19 pandemic ay patuloy ang mga programa ng PSC sa Indigenous Sports at grassroots sports development, ayon pa kay Agustin.

140

Related posts

Leave a Comment