TINIYAK ng Japanese coach ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo na manggugulat ang Filipino gymnast sa Tokyo Olympics, na magsisimula na sa loob ng tatlong linggo.
Pagmamalaki ni gymnastics coach Munehiro Kugimiya, maliban sa floor exercise ay may tatlo pang events na pineperpekto ni Yulo.
“His new favorite apparatus!!!” Pasilip na post ni Kugimiya kasama si Yulo habang nasa tabi ng parallel bars.
“He got a bronze medal on PB in all Japan! What do you think his performance!? He reached 15 points level on PB!!! but you know? He has 2 more favorite events”.
Si Yulo ay world champion sa paborito niyang floor exercise. Ngunit kailangang mag-improve siya sa iba pang individual event gaya ng parallel bars, vault at rings upang lumaki ang tsansa sa pinakamataas na individual all-around category.
Samantala, kung hindi nagpapraktis ay busy sa kusina ang 21-anyos na Pinoy Olympian, na nais din maging mahusay na chef. (ANN ENCARNACION)
128
