SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang arestadong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28; Michaell Alene Sy, 29, at April Jay Praxides, 25-anyos.
Ayon sa report ni SDEU investigator P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela City Police chief, P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo, ng buy-bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa.
Makaraang makabili ang isang pulis na nagpanggap na buyer, ng P5,500 halaga ng umano’y shabu ay agad inaresto ang mga ito ng mga operatiba.
Nakuha sa mga suspek ang 13 gramo ng hinihinalang shabu na P88,400 ang halaga, buy-bust money, P1,500 cash, tatlong cellphones, at motorsiklo.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)
179 