COVID ACTIVE CASES PATULOY SA PAGTAAS SA NAVOTAS

NAKAPAGTALA ng isang namatay sa Navotas City dahil sa COVID-19 noong Hulyo 11 habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng active cases sa lungsod.

Umakyat na sa 374 ang COVID casualties sa lungsod sa nasabing petsa habang 10 ang bagong nagpositibo sa virus at apat lamang ang gumaling. Umakyat naman sa 142 ang bilang ng active cases.

Pumalo na sa 11,156 ang mga tinamaan ng COVID sa Navotas, at sa nasabing bilang ay 10,640 na ang gumaling.

Samantala, bagama’t walang iniulat na namatay sa Malabon City dahil sa pandemya at nanatili sa 453 ang COVID death toll ay dumarami naman ang mga nagkakasakit sa lungsod.

Ayon sa City Health Department, 14 ang nadagdag na confirmed cases habang dalawa lamang ang gumaling. Sa kabuuan ay 13,638 ang positive cases sa siyudad, 163 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Catmon (1), Longos (5), Muzon (1), Panghulo (1), Tinajeros (4), at Tonsuya (2). Ang mga gumaling naman ay mula sa Barangay Longos (1) at Tonsuya (1). Sa kabuuan ay 13,022 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

149

Related posts

Leave a Comment