TULOY-TULOY BILLIARD TOURNEY SA QUEZON CITY

DESIDIDO ang Quezon City local government unit (LGU) na maging ‘billiard capital’ ang lungsod hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Maliban dito, target ng LGU na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte na makatuklas ng mga bagong talento na magrerepresenta sa bansa sa iba’t ibang international tournaments.

Kaya matapos ang 1st QC 10-Ball Open noong Hunyo 21-27, agad itong sinundan ng Saksi Speed Pool Challenge nitong Hulyo 10, at sa Hulyo 23-25 naman ang Shark’s Juniors 10-Ball Open na para sa mga cue artists na edad 17-pababa.

Inorganisa ni Hadley Mariano, 32 young billiard talents ang magtatagisan sa kauna-unahang QC Juniors 10-Ball Open na may premyong P30,000 cash para sa magkakampeon, P15,000 sa 2nd
place, at tig-P5,000 para sa 3rd at 4th.

Ayon kay Mariano, ang naturang torneo ay tulong na rin sa mga upcoming cue artists ng bansa na naapektuhan ng husto dahil sa kawalan ng mga torneo dulot ng COVID-19 pandemic.

Nagpapasalamat din siya kay Mayor Belmonte sa walang sawang pagsuporta nito sa sports at mga atleta.

Samantala, mismong si Quezon City Tourism head Teresa Tirona ay masigasig na maging ‘billiard capital’ ang lungsod. Katunayan, handa aniya ang kanyang tanggapan na i-tour ang mga gustong
bumisita sa kanila.

Pagmamalaki ni Tirona, mayroong 300 places ang lungsod na may iba’t ibang heritage at historical sites gaya ng Quezon City Memorial Circle kung saan makikita ang Quezon Memorial Shrine,
museum, bahay ni dating Pangulong Manuel L. Quezon at mga kainan na nagtatampok sa masasarap na native at street foods.

Mayroon din mga hotels, dalawa sa mga ito ay fi ve-stars, at mga pasyalan para sa local at foreign tourists.

Tiniyak naman nina Tirona at Mariano na ligtas ang lahat ng billiard tournaments sa lungsod dahil sa mahigpit na pagpapatupad sa safety and health protocol ng Quezon City Police, Public Safety
Department at mga kinauukulang ahensiya. (Joel O. Amongo)

163

Related posts

Leave a Comment