JA Trofeo Bonfiglio girls doubles EALA, US TANDEM KAMPEON

WAGI si Pinay tennis sensation Alex Eala at kapartner na si Madison Sieg ng United States sa JA Trofeo Bonfiglio girls doubles tournament sa Italy Sabado ng gabi (Manila time).

Dinomina nina Eala, 16, at Sieg, 18, ang nakalaban sa finals na si Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at katandem nitong si Sofia Costoulas ng Belgium, 6-4, 4-6, 13-11.

Bago ito, nilampaso ng seeded No. 1 na Filipino-American duo ang Russian pair nina Kira Pavlova at Diana Shnaider, 6-3, 6-4, sa semifinals.

Noong nakaraang buwan ay nanalo rin ang Pinay teener sa 2021 French Open girls doubles kapareha naman si Russian Oksana Selekhmeteva.

Samantala, sunod na target ni Eala ang JA tourney singles title makaraang umabante sa finals, matapos talunin si Mirra Andreeva ng Russia, 7-5, 6-2, sa kanilang semifinals match up.

359

Related posts

Leave a Comment