QUEZON – Isa ang patay habang isa ang kritikal matapos mabiktima ng hit and run ng isang van ang dalawang merchandizer ng isang supermarket habang magkaangkas sa motorsiklo sa intersection ng Lucena City noong Linggo ng gabi.
Dead on the spot ang nagmamanehong si Tristan Cabana Millares, 34, habang walang malay na isinugod sa ospital ang backrider nito na si Jhodiel Caballero Cansanay na matinding napinsala ang ulo at katawan.
Ayon sa Lucena City Police, nangyari ng insidente sa intersection ng Gomez St. at Quezon Avenue dakong alas-11:00 ng gabi.
Tinatahak ng motorsiklo ang Quezon Avenue at nang nasa gitna na ito ng intersection nang salpukin ng humahagibis na Mitsubishi L300 FB van.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawang biktima at lumagpak sa sementadong kalsada habang nagpatuloy naman sa pagtakbo ang van at tuluyang tumakas. (NILOU DEL CARMEN)
168 