95 VOLCANIC EARTHQUAKE NAITALA SA TAAL

SA ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – DOST kahapon, nakapagtala ng 95 volcanic earthquake at 689 volcanic tremor na may habang 1-17 minuto sa loob ng magdamag ang Bulkang Taal.

Halos 5,286 na tonelada naman ng Sulfur Dioxide flux (SO2) bawat araw ang ibinubuga nito simula noong Hulyo 20 na may ph level na 1.59.

May steaming plume o malakas na pagsingaw na 900 metro ang taas na napapadpad sa hilagang silangan at silangan dulot ng upwelling ng Bulkan at mainit na volcanic gas habang ang ground deformation nito ay may marahang pag-impis o marahang paglawak ng kalakhang Taal.

Ipinagbabawal pa rin ng mga eksperto ang pagpasok sa high risk barangays ng bayan ng Agoncillo at Laurel maging ang pagpapalipad ng anomang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. (CYRILL QUILO)

128

Related posts

Leave a Comment