NATAPOS ang kampanya ni Pinoy Cris Nievarez sa Tokyo Olympics nang tumapos lang sa ikalimang puwesto sa men’s single sculls quarterfinals, Linggo ng umaga sa Sea Forest Waterway.
Nagtala ang 20-anyos mula Atimonan, Quezon ng 7:50.74 minuto sa likuran nina Oliver Zeidler ng Germany (7:12.75). Luca Verthein Ferreira ng Brazil (7:14.26) at Mindaugas Griskonis ng Lithuania (7:16.71).
Tanging top 3 ang uusad sa medal race.
Nakatakda naman sumabak si Nievarez sa semifinals C/D bukas bagama’t para lamang ito sa ranking o classification. (ANN ENCARNACION)
215 