HISTORIC OLYMPIC GOLD KAY HIDILYN DIAZ

SA wakas, matapos ang 96 taon, nanalo na rin ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz.

Pinatunayan ng 30-anyos na si Diaz na hindi lang siya weightlifter queen ng Pilipinas kundi ng buong Universe nang kanyang makopo ang gold medal sa 55kg sa Tokyo 2020 Olympics weightlifting competition, Lunes (Hulyo 26) sa Tokyo International Forum.

Bumuhat si Diaz ng 97kg sa snatch at 127 kg sa clean and jerk para sa total 224kg para sa kauna-unahang ginto ng bansa mula sa Olimpiyada.

Si Diaz din ang unang Filipina athlete na nagwagi ng dalawang Olympic medals, ang una ay silver noong 2016 Rio Olympics.

Hinigitan niya ang nakamit ng swimmer na si Teofilo Yldefonso, na tanging multi-medaled Filipino Olympian na nanalo ng bronze sa men’s 200 meter breaststroke noong 1928 Amsterdam at 1932 Los Angeles edition.

Si Diaz din ang tanging Pinay na apat na beses nag-qualify sa Olympics.

245

Related posts

Leave a Comment