NAKASISIGURO ang mga medalist, non-medalist, maging ang kanilang mga coach sa katatapos na Tokyo 2020 Olympics na hindi bubuwisan ang kanilang matatanggap na insentibo.
Ito ay matapos tiyakin ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na pagtitibayin ngayong araw ang House Bill (HB) No. 9891 o Hidilyn Diaz Act of 2021 na naglalayong amyendahan ang
Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”.
Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga pabuya, bonuses at iba pang insentibo ng mga atleta kasama ang kanilang mga coach ay ililibre sa buwis bilang pagkilala sa kanilang kagitingan at karangalang ibinigay sa bansang Pilipinas.
“The honor that Filipino athletes have brought to the country this year is immense and historic. So unprecedented is this honor that it appears our laws were unable to anticipate the outpouring of material solidarity from different sectors of society for winning athletes and coaches,” ayon sa chairman ng House committee on ways and means.
Noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng initial approval sa committee level ang nasabing panukala at nabuo na ng Technical Working Group (TWG) ang final draft report na siyang apprubahan
sa pamamagitan ng zoom meeting ngayong linggo.
“We are trying to rush this because time is of the essence. The blow-outs are starting to come in,” ayon pa sa mambabatas at wala umanong tumutol dito kaya walang nakikitang balakid.
Samantala, sinabi ng mambabatas na makatitiyak ng mas malaking pondo ang Philippine Olympic Committee (POC) sa susunod na taon dahil napatunayan na mas may pag-asa ang mga atleta kapag may sapat na budget ang mga ito.
Sinabi ng mambabatas noong panahon nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Benigno “Noynoy” Aquino ay naglalaro lang sa P230 million hanggang P260 million ang pondo ng POC.
“Under President Duterte, the budget for the POC is at P944 million for this year, almost four times the budgets under past presidents,” kaya natulungan ang mga atleta at nakapag-uwi ng apat na medalya ang mga atleta kasama na ang mailap na Gold Medal na ibinigay ni Diaz sa sambayanang Filipino na kauna-unahan mula nang sumali ang Pilipinas sa Olympic noong 1924. (BERNARD TAGUINOD)
145 