LAGUNA – Umabot na sa 216,233 ang cumulative cases ng COVID-19 ng Calabarzon Region, ayon sa ulat ng DOH-Calabarzon nitong Lunes.
Base sa talaan ng DOH RESU (Regional Epidemiology and Surveillance Unit), pumalo na sa 14,222 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 habang gumaling na ang 195,514 at 6,496 ang mga namatay.
Ayon sa Regional Temporary Treatment ang Monitoring Facility (TTMF), nananatili sa Calabarzon Mega-quarantine facility ang 319 pasyenteng may COVID habang sa Carmona Mega Isolation Facility naman ay 34 pasyente ang naroon.
Mayroong kabuuang 6,999 total number of beds ang TTMF Calabarzon habang 1,667 ang naka-admit doon sa kasalukuyan. Mayroong 24 porsyento na lamang ang nananatiling occupancy rate.
Nasa 278,978 indibidwal ang na-test habang 92,899 RT-PCR ang isinagawa. Patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing sa 8,928 indibidwal.
Naitala naman sa 2,509,073 indibidwal ang nabakunahan. Naka-unang dose ng bakuna ang 1,586,198 katao habang 922,875 indibidwal ang mayroon nang ikalawang dose ng bakuna. (CYRILL QUILO)
141 