3 PUGANTENG KOREANO, HULI SA BI AGENTS

ARESTADO sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na pawang kabilang sa bureau’s list of wanted fugitives and illegally staying aliens sa bansa.

Sa isang report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), ang tatlong aliens ay naaresto noong Martes sa kanilang bahay sa loob ng subdivision sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ang mga arestado na sina Han Jeongcheol, 47; Yang Wonil, 48, at Cho Sunggye, 56.

Ayon sa report, nagsagawa ang FSU operatives ng operasyon para isilbi ang deportation warrant laban kay Han, na ipinag-utos ng BI na ipatapon bilang isang pugante na wanted dahil sa illegal drugs sa kanilang bansa.

Subalit naka-engkwentro ng FSU officers sina Yang at Cho sa nabanggit na lugar.

Sa beripikasyon ng BI sa South Korean authorities, nabatid na si Yang ay pugante rin na wanted sa kasong fraud sa kanilang bansa.

Matatandaan, ang Korean court ay nag-isyu ng arrest warrant laban kay Han noong Agosto 23, 2018 matapos itong lumabag Narcotics Control Act ng kanilang bansa.

Bukod dito, si Yang ay pakay rin ng arrest warrant na inisyu ng Seoul District Court matapos na makasuhan ng fraud na paglabag sa Korea’s Criminal Act.

Si Cho, na isa ring wanted sa Korea, ay ipinag-utos ng BI na i-deport sa kanilang bansa. Siya ay walong taon na umanong undocumented at overstaying alien.

Ang tatlo ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon. (JOEL O. AMONGO)

170

Related posts

Leave a Comment