NAMASYAL SA ECQ, HULI SA SHABU

SWAK sa selda ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu nang sitahin sa paglabag sa curfew hours at hindi pagsusuot ng face mask noong Linggo ng gabi sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Jessie Galvez, 34, ng F. Villanueva St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nagroronda ang mga tanod ng Brgy. Concepcion bago mag-alas-10:00 ng gabi sa Gov. Pascual nang makita nila ang suspek na namamasyal na walang suot na face mask na parang hindi nakataas sa ECQ status ang lungsod

Sinita ng mga tanod si Galvez at nang iisyuhan ng Ordinance violation receipt ay kumaripas ng takbo kaya at tinugis hanggang masukol ng mga tanod.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng 0.7 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P4,816 ang halaga kaya’t idiniretso sa presinto. (ALAIN AJERO)

176

Related posts

Leave a Comment