BLACKOUT SA VISAYAS DAHIL SA KIDLAT

NARANASAN ang blackout sa ilang lalawigan sa Visayas kabilang ang Cebu, Leyte-Samar at Bohol dahil umano sa kidlat, Biyernes ng gabi.

Gayunman, unti-unti nang naibalik kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang power transmission services nito sa mga apektadong kostumer.

Ayon sa NGCP, batay sa kanilang paunang pagsisiyasat ay tinamaan ng kidlat ang pasilidad nito kaya’t naapektuhan ang suplay sa apat na probinsiya na nagsimula dakong alas-11:56 ng gabi ng Biyernes.

“A lightning strike caused the simultaneous tripping of the Colon-Cebu 138kV Lines 1, 2 and 3 and Colon-Quiot 138kV Line, which triggered the partial system blackout,” ayon sa NGCP.

Ang mga nasabing transmission lines ang nag-uugnay sa Quiot, Pardo sa Cebu City hanggang Barangay Colon sa Naga City, na naging sanhi ng blackout sa bahaging ito ng Visayas grid.

Ang NGCP ang nag-ooperate, nagmimintina at nagpapabuti ng power grid ng bansa na siyang nangangasiwa ng distribution ng kuryente mula sa mga power plant patungo sa mga electric cooperative at utilities. (JG TUMBADO)

139

Related posts

Leave a Comment