SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na boluntaryo niyang gagawin ang pag-audit sa lahat ng tanggapan ng gobyerno lalo na sa Commission on Audit (COA) sakali’t manalo siya bilang bise-presidente sa 2022 election.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pangalawang Talk to the People, Huwebes ng gabi ay bunsod na rin ng pagpuna ng COA at pagpapalabas ng komisyon sa 2020 report na mayroong deficiency sa P67.32 billion COVID-19 response ng Department of Health (DOH).
Sinabi pa ng pangulo na kailangan talagang may isang taong gumawa ng plano kaya mas mabuting simulan niya na ito kung magwawagi sa susunod na eleksyon.
“Sino’ng nag-o-audit ng COA? Sino nag-aapura sa kanila? Mahirap ‘yan. Somebody should do it. I will do that if I become vice president,” ayon sa pangulo.
“Ako na lang din ang mag-audit sa lahat ng gobyerno. Lahat, pati yung akin. Magsimula ako sa akin,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)
149 