9 PATAY SA COVID SA MALABON, NAVOTAS

LIMA ang binawian ng buhay sa Navotas City habang apat naman ang namatay sa Malabon City dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Hanggang alas-11:59 ng gabi noong Agosto 26 ay 437 na ang COVID casualties ng Navotas, habang 1,265 ang active cases matapos na 53 ang gumaling ngunit 135 naman ang nagpositibo sa virus.

Pumalo na sa 13,963 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 12,261 na ang gumaling.

Umakyat naman sa 543 ang pandemic fatalities ng Malabon City at sumipa sa 1,042 ang active cases matapos na 169 ang madagdag na confirmed cases noong Agosto 27. Sa kabuuan ay 16,773 ang positive cases ng Malabon.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (2), Baritan (5), Bayan-bayanan (10), Catmon (21), Concepcion (1), Dampalit (7), Flores (1), Ibaba (2), Longos (25), Maysilo (17), Niugan (1), Panghulo (7), Potrero (17), San Agustin (1), Tañong (2), Tinajeros (23), at Tonsuya (27).

Habang 103 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 15,188 ang recovered patients ng lungsod. (ALAIN AJERO)

154

Related posts

Leave a Comment