COVID-19 PATIENTS, APAW NA SA LAGUNA

UMAAPAW na ang mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa Laguna, ayon sa Provincial Health Office.

Sinabi ni Dr. Rene Bagamasbad ng PHO, halos tatlong beses o triple na ang itinaas nitong buwan ng Agosto ng bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit. Umabot na aniya sa 7,800 ang active cases mula 2,400 hanggang 2,500 kumpara noong mga nakaraang buwan.

Nasa 80 porsyento ng may mild symptoms ang nananatili lamang sa kani-kanilang bahay na naging dahilan ng hawaan sa kanilang pamilya.

Punong-puno na rin ng mga pasyente ang Regional Isolation Facility sa Calamba City. Gayundin ang 15 government hospitals sa probinsya ay puno na ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 at non-COVID-19 patients.

Samantala, pinakiusapan ang mga pribadong pagamutan na dagdagan ang kanilang pasilidad upang tumanggap ng ibang COVID-19 cases dahil sa mabilis na pagdami ng mga nagpopositibo.

Ayon kay Dr. Bagmasbad, “Almost overflowing na kung sa regional, naglagay na nga sila ng isang floor na para sa hindi taga region, hindi taga Calabarzon, puno sila, 400 lang naman, tingin ko over na, tapos may nagkakasakit din, balita ko ‘yung ibang doctor may COVID na rin. (CYRIL QUILO)

135

Related posts

Leave a Comment