Pasyente isusugod sa ospital SENIOR PATAY, 2 SUGATAN SA SUMALPOK NA KOTSE

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 61-anyos na senior citizen na isusugod sa pagamutan habang sugatan at anak nito at ang driver makaraang bumangga sa poste ng ilaw at pader ang kanilang sasakyan sa Imus City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Imus City ang biktimang si Alejandro Tampus habang nilalapatan ng lunas ang anak nitong si Anna Jane Tampus Lagrio, 24, at ang driver ng Mitsubishi Lancer na may plakang TJS 302, na si Michael Dalida Borsal, 43, dahil sa sugat sa ulo at katawan.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, sakay ng Mitsubishi Lancer na minamaneho ni Borsal, ang mga biktima upang isugod sa ospital si Alejandro dahil nahihirapang huminga ngunit habang binabagtas ang kahabaan ng NIA Road sa Malagasang 1-G, Imus City nang bumangga ito sa isang poste ng ilaw at konkretong pader dakong alas-10:30 noong Sabado ng gabi.

Agad namang nagresponde ang mga opisyal ng barangay at isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit hindi idineklarang dead on arrival ang senior citizen. (SIGFRED ADSUARA)

125

Related posts

Leave a Comment