OLDEST WOMAN SA PH NAGPABAKUNA SA PASIG

NAKUMPLETO na ang bakuna ng pinakamatandang babae sa Pilipinas, sa Pasig City kamakailan.

Si Lola Lualhati Masanga, 104-anyos, ay fully vaccinated na laban sa COVID-19, nangangahulugan na protektado na siya sa posibleng malalang sakit na dulot ng COVID-19.

Sa pagpapabakuna ni Lola Lualhati, ay lalo siyang mapapalapit at magkakaroon ng oras sa kanyang pamilya.

Si Lola Lualhati ay isa lamang sa 45,000 senior citizens na naninirahan sa Pasig City, na nakinabang sa vaccination program ng local government unit laban sa COVID-19.

Sa kalagitnaan ng Agosto 2021 ay umabot sa 100% ng mga residente ng Pasig City ang fully vaccinated na.

“When we see that more than 70% of those who passed away from COVID-19 are senior citizens, it only makes sense that we protect them first. And the best way to protect them is through vaccination,” ani Mayor Vico Sotto. (JOEL O. AMONGO)

187

Related posts

Leave a Comment