MALAKI ang paniniwala ng isang dating local official ng Maynila na mayroong tamang taong mapagpapasahan ng pamamalakad sa lungsod sakali’t iwan ito ni Mayor Isko Moreno.
“Kung sakali na ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng pulitika si Yorme Isko ay kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila”.
Pahayag ito ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing.
“Walang may alam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksyon kundi siya at ang kanyang destiny. Kung aakyat siya next year, Yorme can pass the baton to Honey Lacuna. She can lead Manila, continue the fight against covid, and continue the development of the City,” ani Bagatsing.
Pinuri rin ng dating konsehal ang kasalukuyang vice mayor na kilala aniya sa husay at pagmamahal sa mga Manilenyo.
“Ive seen firsthand how she handled the Covid pandemic, behind the scenes. No fanfare, no gimmicks, just work. ”
Ayon pa kay Bagatsing, kung mananatili pa ang COVID-19 sa bansa hanggang sa susunod na taon ay kailangan ang lider na may medical experience at malawak na karanasan para i-manage ang lokal na ekonomiya at lumikha ng maraming trabaho sa mga Manilenyo.
“COVID-19 is here to stay for the next few years, so leaders need medical experience first, in tandem with managing the local economy and creating jobs for all Manileños. ”
Giit pa ni Bagatsing, kailangan ay maipagpatuloy ang magandang nasimulan sa Maynila.
“You will need continuity in policies next year, because andyan pa ang COVID at bagsak ang ekonomiya. May plano na e, kinasa na ni Isko, so itutuloy na lang ni Honey” sabi pa ng dating Konsehal.
“Pag paangat na ang Maynila, you don’t change horses in mid stream,” aniya pa. (ANNIE PINEDA)
