SA nalalabing 10-buwan pangakong lilinisin ang natitira pang drug-affected barangays, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay bumuo ng powerhouse Command Group na tututok dito.
Ipinagmalaki ng PDEA na sa pamamagitan ng kanilang bagong mga opisyal, inaasahan nilang matutupad ang deadline sa pagresolba sa problema sa droga sa Hunyo 2022, bilang pangako ni President Rodrigo Roa Duterte sa mga Pinoy.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, kasama sa power na mag-command sa ahensiya ay ang dalawang bagong deputies: sila ay sina Assistant Secretary Diosdado C. Carreon, Deputy Director General for Administration (DDGA); at Assistant Secretary Gregorio R. Pimentel, Deputy Director General for Operations (DDGO).
Ang BDCP ay ‘brainchild’ ni Villanueva na matagal na bago pa ang Dangerous Drugs Board (DDB) na in-adopt at ginawa ito bilang isang Board Regulation.
“PDEA got a big boost from the recent appointment of Asec. Carreon, a retired Major General whose majority of stints came in Mindanao. He has something extra to bring to the table, taking along with him a ton of strategic military experience, intelligence and leadership to the organization,” ani Villanueva.
Sa kabilang banda, si Pimentel ay isang retired Police Major General na nanunungkulan na sa PDEA, mahigit dalawang taon na ngayon.
Siya ay kilala bilang eksperto sa police operations at intelligence, at nagsilbi noon bilang head ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Intelligence.
Simula noong Hulyo 31, 2021, may 22,585 drug-cleared barangays na habang may 12,731 barangay ang hindi pa nalilinis sa illegal drugs. (JOEL O. AMONGO)
