CAVITE – Nagkasa ng follow-up operation ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A matapos masabat ang tinatayang 1.2 kilos ng marijuana mula sa mga parcel na ipinadala sa isang kilalang courier sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang kumilos ang pinagsanib na puwersa ng SIU Batangas, PO Batangas at PDEA 4A matapos makatanggap ng tawag hinggil sa umano’y kahina-hinalang laman ng mga parcel na dumating sa warehouse ng J&T Express sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.
Sa tulong ng isang sniffing dog, natuklasang ang laman ng 13 parcels ay mga pinatuyong dahon ng marijuana at mga binhi nito na tumitimbang ng 1.2 kilos.
Isang nagngangalang Ethan David Gabriel ang sender ng nasabing parcels habang subject ng follow-up operation ang receiver nito. (SIGFRED ADSUARA)
139 