Gwen Salamida slay case MASTERMIND IKINANTA NA!

(JESSE KABEL)

TINUTUGIS na ng pulisya ang utak sa pagpatay sa peryodistang si Gwen Salamida makaraang kumanta sa akmang himig ang dalawang suspek na una nang inaresto sa Commonwealth, Quezon City noong nakaraang linggo.

Pagtitiyak ng Philippine National Police (PNP), hindi pa nila ganap na isinasara ang kasong pagpatay kay Salamida sa kanyang beauty salon noong Agosto 17 sa Quezon City.

Sa isang Facebook post, maging si Undersecretary Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media Security, ay nagpahaging hinggil sa umano’y “break through” kaugnay ng imbestigasyon sa pamamaslang sa nasabing peryodista.

“We’ve been on it since last week but please understand why we have to work below radar. We are still working on something which is still very sensitive. Let’s wait for the official announcement so as not to jeopardize whatever is still going on. Slowly but surely. For an airtight case.”

Pagtatapat ng isang mataas na PNP official sa isang eksklusibong panayam ng SAKSI Ngayon, sadyang itinago muna ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang impormasyon sa hangaring mangalap muna ng iba pang mahalagang detalye para matiyak na hindi na makalulusot ang mastermind sa nasabing pamamaslang.

Nabatid na Biyernes pa ay nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang suspek sa pagpatay sa dating tabloid editor noong nakaraang buwan. Sila ay sina Nilo Payag Anub at Richard Go Alaba, na kapwa naaresto sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ang mga suspek ay natukoy sa tulong ng footages mula sa mga CCTV sa pinangyarihan at iba pang lugar na sakop ng direksyong tinahak ng mga ito sa pagtakas.

Bukod kay Salamida, tinangka rin patayin ng mga salarin ang kinakasama nitong nakilala sa pangalang Oliver Perona.

284

Related posts

Leave a Comment