APAW na sa mga pasyente ang dalawang Quezon City Hospitals, habang malapit na ring mapuno ang isa pang ospital sa nasabing siyudad dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 na pumapasok dito.
Sa nakuhang data ng SAKSI NGAYON, ‘as of September 12, 2021, ang Novaliches District Hospital ay nakapagtala ng 152.10% occupancy rate; habang ang Rosario Maclang Bautista General Hospital ay may 146% occupancy rate, samantala ang Quezon City General Hospital ay may 97% occupancy rate o mapupuno na sa mga pasyenteng may COVID-19.
Nabatid na ang Quezon City Hospital ay may 116 pasyente ng COVID-19; ang Rosario Macalang Bautista General Hospital ay may 79, at ang Novaliches District Hospital ay may 73.
Ang nabanggit na mga ospital ay may limitadong kapasidad lamang para sa COVID-19 patients.
Sa nasabing ring petsa, ang kabuuang active cases ay 13,018 (8.95%); gumaling na 131,000 (90.1%) namatay na 1,374 (0.95%) at may kabuuang COVID-19 na 145,392. (JOEL O. AMONGO)
538
