LAGUNA – Nasagip ang isang buwan gulang na sanggol makaraang iwanan ng kanyang ina sa tabi ng creek sa Calamba City noong Huwebes.
Napag-alaman, natagpuan ng concerned citizen na si Jefferson Nazareno ang sanggol sa ilalim ng tulay sa Barangay Parian habang nakabalot sa kumot at may sapin na karton sa loob ng sirang manhole.
Agad pinuntahan ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Calamba City ang sanggol matapos kumalat ang post sa social media ni Nazareno.
Nasagip ang sanggol at natagpuan ang ina na umano’y pansamantalang umalis upang maghanapbuhay.
Ilang indibidwal pa at mga bata ang nasagip sa lugar na pansamantalang nakikisilong sa ilalim ng tulay.
Dinala ang mga ito sa MSWD upang mabigyan ng atensyong medikal at iba pang pangangailangan. (CYRILL QUILO)
163
