NEGOSYO LUGI PA RIN SA ALERT LEVEL SYSTEM

HINDI pa talaga kumikita ang mga negosyo na nabigyan na ng go signal na magbukas sa ilalim ng 10% dine in kasunod ng pagpapatupad ng gcq with granular lockdown And alert level 4 system sa national Capital region o Ncr .

Aminado si Presidential adviser for entrepreneurship Sec. Joey Concepcion, kahit mababa ang capacity ay masaya na rin aniya kahit papano ang mga ito dahil unti-unti nang nagbabalik ang kanilang operasyon.

Iyon nga lamang aniya kung ang mga business owners at mga manggagawa ang tatanungin ay nais sana nilang maitaas ang capacity ng mga pumapasok na mga customer.

Binigyang diin pa ni Concepcion, sa 10% kasi ay hindi talaga kikita ang mga negosyo dahil napakababa aniya ng capacity na ito.

Subalit, kung maibababa na aniya sa Level 3 Ang alert system sa NCR, malaki aniya ang posibilidad mas gaganda na ang takbo ng mga negosyo para Kahit papano’y makabawi na ang mga business owners sa kanilang pagkalugi noong mga nakalipas na buwan dahil sa mga ipinatutupad na lockdown. (CHRISTIAN DALE)

190

Related posts

Leave a Comment