INAKSYUNAN ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan ng kaukulang brand ng bakuna para makaalis ng bansa.
Ayon sa City Hall, kailangang magdala ng valid government ID na ang address ay sa Malabon
Kailangan din ang alinman sa mga sumusunod: seaman’s book, contract, at job order.
Maaaring magpasa ng mga dokumento bilang patunay ng pag-alis sa bansa hanggang Oktubre 6, 2021 sa City Health Office, 8th floor, Malabon City Hall.
Para sa ibang katanungan, maaaring mag-text sa Vaccination Hotline: 09271942628 / 09683859818. (ALAIN AJERO)
162 