ASAHAN ang patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa makaraang isailalim sa signal no. 1 ang 23 lugar na apektado ng tropical depression Lannie, na huling namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Sa ipinalabas na weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyong Lannie ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph, kung saan ay kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa signal no. 1 ay ang katimugan ng Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud), Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose), Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong) at Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay).
Madarama din ang malakas na bugso ng hangin at mabigat na buhos ng mga pag-ulan sa susunod na 36 oras sa hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Calamian, Cuyo Islands) Eastern Samar, bahagi ng Leyte, Capiz, Aklan, Guimaras, Iloilo, Antique, Negros Occidental, northern and central portions ng Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City), Cebu, Bohol, Surigao del Norte, Dinagat Island, hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City).
Makaraan ang landfall ng bagyo sa Siargao-Bucas Grande, tutumbukin nito ang west northwestward, cross Dinagat Island at Visayas at inaasahang ngayong umaga ito ay nasa Sulu Sea malapit o kaya ay nasa Cuyo Archipelago.
Mula sa Cuyo Archipelago ay kikilos si Lannie patungong northwestward, posibleng dumaan malapit sa northern Palawan or Calamian Islands ngayong bago magtanghali.
It may intensify into a tropical storm by Wednesday afternoon, and a severe tropical storm by the end of the forecast period, ayon pa sa PAGASA. (LILY REYES)
151 