NANINDIGAN sina Senador Richard Gordon at Senate Minority Leader Franklin Drilon na unconstitutional ang memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa Executive department officials na balewalain ang anomang patawag para sa Senate investigations.
“‘Yung in-issue mong memo is totally unconstitutional. You are violating the Constitution,” saad ni Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y iregularidad sa procurement ng medical supplies.
“Walang issue ng national security, executive privilege, and diplomatic discussions as mentioned in the case of Senate vs. Ermita,” dagdag pa ni Gordon.
Nagbiro naman si Senador Panfilo Lacson na ang memo ng pangulo ay maituturing na “Gordon specific.”
“Not all blue ribbon committee hearings, this particular Senate blue ribbon committee hearings we are conducting. So this is Gordon-specific,” saad ni Lacson.
Sinabi naman ni Drilon na balot ng unconstitutionality ang memorandum.
“It only covers the Senate, it only covers the blue ribbon, it does not cover other blue ribbon hearings but only this particular blue ribbon hearing. This is really… I cannot see other memorandum as blatantly unconstitutional as what we have before us,” saad ni Drilon.
Samantala, nagbabala naman si Senador Kiko Pangilinan sa mga opisyal na hindi dumalo sa pagdinig na maghaharap pa rin sila pagdating ng budget deliberations.
Memo kontra
witch hunting
Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inanunsyo ng pangulo ang paglalabas ng memo.
“Senate is not a criminal court. Stop using it for your witch hunt.”
Pinagbabawalan nito ang kanyang Cabinet officials na dumalo sa imbestigasyon sa Senado ukol sa ginawang pagbili ng pamahalaan sa diumano’y overpriced na pandemic supplies noong nakaraang taon mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp.
Muli rin niyang binanatan si Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, na siyang nagsasagawa ng Pharmally probe.
“We cannot allow blatant disrespect of resource persons at the ongoing hearing of the Senate blue ribbon committee. Gordon, you are not God and you cannot play God,” ayon sa pangulo.
Aniya, hindi naman siya tutol sa imbestigasyon subalit hindi aniya dapat na idinadamay ang kanyang mga opisyal lalo na iyong mga kasama sa pandemic response ng pamahalaan.
“‘That Pharmally, as I said, you can crumple it as much as you want. But don’t just get my people involved. I am not objecting to your kingdom come, but [don’t involve] the people whom I am relying on to fight COVID-19,” ayon sa pangulo.
Binatikos din ng chief executive ang mga senador dahil sa kakulangan ng respeto sa administrasyon dahil sa paulit-ulit na hinahayaan lang ang mga opisyal na maghintay ng ilang oras sa panahon ng pagdinig na hindi naman aniya kailangan.
Inulit naman ng pangulo na ang mga senador o ang kahit na sinoman indibidwal mula sa labas ng Senado ay mangyaring maghain ng kaso sa korte kapag nakakita ang mga ito ng posibleng krimen na nagawa ng Pharmally.
(DANG SAMSON-GARCIA/CHRISTIAN DALE)
144 