DEFENSOR TEAM BABANGGA KAY JOY SA QC

PORMAL nang inanunsyo ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pagbangga ng kanilang team kay incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte sa 2022 elections.

Ayon kay Defensor, maghahain sila ng kanilang certificate of candidacy (COC) bukas, October 7, 2021 sa Commission on Elections (Comelec) filing center sa The Elements, Eton Centris, Diliman, Quezon City, alas-otso ng umaga.

Kasama ni Defensor sa paghahain ng COC ang kanyang running mate na si dating Congressman at ngayo’y Councilor Winnie Castelo.

“The Defensor-Castelo tandem will be leading Malayang Quezon City, a broad united opposition coalition that is fielding a full local slate in the 2022 elections,” ayon sa statement ng tanggapan ni Defensor.

Kabilang sa mga kasapi ng coalition sina incumbent at reelectionist Quezon City Representatives Anthony Peter “Onyx” Crisologo (first district); Precious Hipolito-Castelo (second district) at Allan Reyes (third district).

Isasabak din sa congressional race sina Councilor Marvin Rillo sa ikaapat na distrito ng lungsod, dating congressman Vincent “Bingbong” Crisologo sa ika-anim (6) na distrito.

Ang 5th at 6th District ng Quezon City ay mababakante dahil naka-tatlong termino na ang mga kasalukuyang kumakatawan sa mga distritong ito sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Si Belmonte ay nakapaghain na ng kanyang COC kasama ang runningmate na si Vice Mayor Gian Sotto. (BERNARD TAGUINOD)

197

Related posts

Leave a Comment