4 TSUPER SA PITX POSITIBO SA DROGA

SINUSPINDE ang driver’s license ng apat na bus driver matapos magpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang random drug test sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Lungsod ng Parañaque.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, nagsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP) at local government unit (LGU) sa mga bus driver na biyaheng Cavite at Batangas na layuning maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay.

Sa 47 bus driver na sumalang sa drug test, apat sa mga ito ang nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs at karamihan ay biyaheng Cavite.

Dahil dito, agad kinumpiska ng LTO ang lisensya ng apat na driver at pinatawan ng suspensyon hanggang hindi lumalabas ang kanilang confirmatory test. (DAVE MEDINA)

254

Related posts

Leave a Comment