TINATAYANG may 51 mula sa 52 deaths sa drug war operations ng pulisya ang kailangan masuring mabuti.
Ito ang lumalabas sa case report at rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOJ Usec. Adrian Sugay, na batay sa kanilang nakita, may protocols o police procedure na hindi nasunod sa mga operasyon ng Philippine National Police (PNP).
Sakali naman aniyang makita ng National Bureau of investigation (NBI) sa isasagawa nilang case build up na talagang may paglabag ang ilang pulis ay puwede na silang masampahan ng kaso.
Subalit, kung kulang pa aniya at kailangan pang palawigin ang imbestigasyon para makakalap ng ebidensiya ay bahala na aniya ang NBI.
Kasabay nito, sinabi ni Sugay na naisumite na ni DOJ Secretary Meynardo Guevarra kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resulta ng kanilang isinagawang case review sa mga umano’y pagmamalabis ng mga pulis sa war on drugs.
Sinabi ni Sugay na may ” go signal” ni Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga kasong ito. (CHRISTIAN DALE)
177 