APAT na barangay na sa Navotas ang wala nang active COVID cases, habang 76 ang active cases sa lungsod hanggang 11:59 pm noong Oktubre 23, 2021.
Ang mga barangay na zero COVID na sa nasabing petsa ay ang Bagumbayan North, Bagumbayan South, Navotas West, at Tanza 2.
Anim ang nagpositibo sa virus sa fishing capital sa nasabing araw habang 12 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 17,544 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,928 na ang gumaling at hindi nadagdagan ang 540 casualties.
Samantala, 10 ang nadagdag na confirmed cases sa Malabon City noong Oktubre 24. Sa kabuuan ay 21,079 ang positive cases sa Malabon, 99 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Acacia (2), Concepcion (5), Niugan (1), at Tonsuya (2).
Habang apat na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Concepcion (2), Niugan (1), at Panghulo (1). Sa kabuuan ay 20,343 ang recovered patients ng Malabon at nanatili sa 637 ang COVID casualties. (ALAIN AJERO)
169
