WANTED SA PAGPATAY SA KADUGO ARESTADO

ARESTADO ang 54-anyos na top 1 most wanted person sa kasong parricide ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City.

Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naaresto na si Alfonso Sto. Domingo y Senadan, nakatira sa Katarungan St., Brgy. Caniogan sa lungsod.

Dakong alas-1:00 ng hapon noong Oktubre 21 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa Brgy. Del Rosario Minalabac, Camarines Sur.

Dala ng mga tauhan ng EPD-Special Operation Unit at District Intelligence Unit (DIU) ang warrant of arrest na isyu ni Judge Nicanor A. Manalo Jr. ng Regional Trial Court Branch 161, na may petsang Disyembre 10, 2020, nang arestuhin ang suspek sa kasong parricide

Nauna rito, nagsagawa ng serye ng surveillance at backtracking operations ang mga awtoridad sa pinagtataguan ni Sto. Domingo na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek, (KNOTS ALFORTE)

302

Related posts

Leave a Comment