COVID CASES SA CALABARZON PATULOY SA PAGBABA

CALAMBA CITY – Bunga ng nakaraang lockdowns ang patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Sa pinakabagong talaan ng Department of Health 4-A na inilabas noong Oktubre 23, nasa 603 na lamang ang bagong kaso ng mga tinamaan ng sakit kumpara noong mga nakaraang linggo na halos umabot sa limang libong katao ang mga tinamaan ng nasabing sakit.

Nasa 17,991 na lamang ang aktibong kaso ng COVID habang 40 ang namatay. Ang lalawigan ng Laguna ay nakapagtala ng 4,295 active cases; Cavite, 4,203 active cases; Rizal, 3,521; Batangas 3,443; Quezon, 2,230, at Lucena City, 299 active cases.

Samantala, tatlong probinsya sa Calabarzon ang inilagay ng pamahalaan sa Alert Level 3. Ang Cavite, Laguna at Rizal ay mananatili sa Alert level status na ito simula Oktubre 20 hanggang katapusan ng buwan.

Ang lalawigan naman ng Batangas at Quezon ay inilagay sa Alert level 2. (CYRILL QUILO)

187

Related posts

Leave a Comment