BONGBONG MARCOS NA?

KUNG ang eleksyon ay ginawa nitong nakaraang Oktubre 11 hanggang 18, 2021, walang kaduda-dudang si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) na ang presidente ng Pilipinas.

Bakit kamo? Base sa inilabas na resulta ng Publicus Asia Survey on Election Preferences October 11-18, 2021, sa presidential, malayo ang deperensiya nina BBM at Leni.

Si BBM ay nakapagtalaga ng 49.3%; Leni Robredo ay 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; undecided, 8.6; Panfilo Lacson, 2.9%; Manny Pacquiao, 2.8%; Others, 2.1%; Sen. Bato dela Rosa, 1.9%; None, 1.7%; at Ernesto Abella, 0.6%.

Sa pinagsama-samang nakuhang iskor nina Moreno, Lacson, Pacquiao, Dela Rosa, at Abella ay may kabuuang 17%.

Ang survey ng limang presidentiables na ito na nakapagtalaga ng 17% at isama sa 21.3% ni ­Robredo ay may kabuuang 38.3%.

Lumalabas na mas mataas pa rin si BBM ng 11% kung ikukumpara sa kanilang anim (6) na pinagsama-samang presidentiables survey.

Pero malabong maidagdag sa kanya ang survey ng limang (5) presidentiables.

Kung sakali naman na kay Leni mapunta ang undecided na 8.6%; others na 2.1% at none na 1.7% na may kabuuang 12.4% ay mas malayo sa 49.3% ni BBM.

Sa 21.3% ni Leni plus 12.4% mula sa pinagsama-samang undecided, others at none survey ay may kabuuang 33.7% lamang.

Lumalabas na may de­pe­rensiya na 15.6 pabor kay BBM.

Alin ngayon ang kapani-paniwala ang survey, ang Publicus Asia o ang inilabas ng RAPPLER?

Nauna nang naglabas ng survey ang RAPPLER na 100k hanggang 150k daw ang deperensiya o lamang ni Robredo laban kay BBM.

Pero, ‘pag sinilip ang nilalaman ng RAPPLER survey ay lumalabas na mas marami ang aktuwal na pumabor kay BBM.

Kaya maraming netizens ang nagalit sa RAPPLER dahil naglalabas sila ng fake survey.

Ayon sa ilang netizens, hindi na mangyayari ang ginagawa ng ilang media na pinaniniwala nila ang taumbayan ng mga maling balita o fake news.

Panahon na ngayon ng internet at kumpleto na sa gadgets ang mga Pilipino.

Madali na nilang mala­laman kung totoo ba o hindi ang inilalabas na balita ng mainstream media.

Tulad ng survey na inilabas ng RAPPLER ay nalaman agad ng netizens na peke dahil nakita nila ang nilalaman nito sa pamamagitan paggamit ng kanilang gadgets.

Obyus na peke ang resulta ng survey dahil natuklasan na pawang mga Arabo ang sumailalim sa pagtatanong nila.

Hindi naman botante ang mga Arabo sa Pilipinas.

Dahil sa kahihiyan na inabot ng RAPPLER ay napilitan silang burahin ang survey.

Ganunpaman, ang ganitong mga pananabotahe laban kay BBM ay walang epekto sa kanya.

Ito pa ang lalong nagpapalakas sa kanya.

Mas lalo pang lalakas ito kung tuluyan nang magsama sina BBM at Inday Sara.

Kamakailan ay nagkita ang dalawa sa isang okasyon sa Cebu City.

Maraming naniniwala na maaaring magsama sina BBM at Inday Sara sa 2022 national at local elections.

‘Pag nagkataon, lahat ng babangga sa kanila ay giba!

Inaasahan ng taumbayan na kapag nag-tandem ang dalawa ay sila ang magpapaunlad sa bansa.

Si BBM na kaya ang papalit sa trono ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte?

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

181

Related posts

Leave a Comment