57% PINOY LALONG NAGHIRAP – SWS

ANIM sa bawat 10 Pilipino ang lalo pang nasadlak sa dusa ng kahirapan, batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station.

Sa inilabas na resulta ng kanilang survey na isinagawa mula Setyembre 12 hanggang 16, lumalabas na 57% ng mga respondents ang nagsabing lalo pang lumalala ang kanilang sitwasyon, habang 13% naman ng mga kalahok ang nagsabing bumuti ang kanilang kalagayan.

Wala namang tugon ang nalalabing 29% ng kabuuang 1,200 respondents na kinuhanan ng datos.

“The September 2021 Net Gainer score is 13 points down from the very low -31 in June 2021, arresting the recovery from the catastrophic -76 in September 2020 to extremely low -48 in November 2020 and very low -38 in May 2021,” ayon sa SWS.

Sa kabuuan, mas dumami pa ang nakaramdam anila ng paglubog sa estado ng pamumuhay sa gitna patuloy na pakikipag-patintero sa peligrong dulot ng pandemya, saad na SWS na nagsabing nakapangasiwa na sila ng 142 surveys mula April 1983.

Ang resulta ng kanilang pinakahuling survey ay ibinatay sa katanungang — “Comparing your quality of life these days to how it was 12 months ago, would you say that your quality of life is better now than before, same as before, or worse now than before?”

Base sa kanilang kabuuang datos, lumalabas na lumala ang buhay ng mga Pilipino sa nakalipas na 12 buwan, bagay na tinawag ng SWS bilang “extremely low” o sukdulang baba.

Lumalabas din Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamalubhang kalagayan, kasunod naman ang Luzon, Visayas at Mindanao. (JESSE KABEL)

225

Related posts

Leave a Comment