NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na pagpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa ilalim ng kanyang pinirmahang batas, itinakda ang halalan sa nasabing rehiyon Mayo ng taong 2025.
“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” saad sa isang kalatas na ipinaskil sa Facebook.
Aniya, ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mangangasiwa sa nasabing rehiyon hanggang sa pagsapit ng 2025 mid-term-elections.
Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law na niratipikahan noong Pebrero ng taong 2019, nagtakda ng isang plebisitong piniling lumikha ng BARMM bilang kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Saklaw ng BARMM ang Cotabato City, 63 barangays sa bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato.
“It has expanded land and water jurisdiction, fiscal autonomy, increased share in national government resources, among others,” ayon sa ulat. (CHRISTIAN DALE)
195 